High
school life. …. They’re right! Talaga namang unforgettable ang high school life ng bawat isa sa’tin. Hmmm… Bakit nga ba? Sa dami
ng mga nangyari sa’tin sa mga panahon na yun, ang hirap i-enumerate ‘di ba? Pero
ang sarap balik-balikan ng mga moments na yun. Nakaka-miss!
Nami-miss
niyo din ba ang mga teachers niyo? Yung kaliwa’t kanan ang projects at assignments
ang pinagagawa sa inyo. Yung mga bookish na pati punctuation marks sa book ay
memorize nila. Yung mga check ng check ng lectures niyo na kapag back to back ang
sulat sa notes niyo, 90 or above agad ang grades mo. Yung mga may mannerism na
ginagaya at pinagtatawanan niyo kapag wala sila sa classroom. Yung mga napaiyak
at napag-walk-out niyo sa classroom dahil sa pagiging pasaway ng buong klase
niyo.
Nami-miss
niyo din ba yung guidance counselor at principal niyo? Yung office nila na
nagiging tambayan niyo kapag pinapatawag kayo dahil lagi kang late sa klase mo
o dahil may nakaaway ka? Yung mahabang sermon nila sa’yo at paulit-ulit na pagre-remind
sa’yo ng rules and regulations ng school.
Namimiss
niyo din ba ang mga classmates niyo? Yung mga practical jokes nila na nagpatawa
at nagpaiyak sa’yo. Yung sama-sama niyong pagiging pasaway sa klase. Yung mga
simpleng bagay na pinag-aawayan niyo. Yung mga patalbugan niyo para lang maging
part ng honor roll. Yung mga “open-forum” niyo na nagiging way para
magkabati-bati yung may mga conflicts. Yung seating position niyo na nagiging
cheating position tuwing exams.
Namimiss
niyo din ba yung mga kabarkada niyo? Yung mga tintawag niyong “sanggang dikit”.
Yung mga nakasama niyong mag-lunch sa iisang table at pinag-uusapan at kung
minsan ay pinagtatawanan yung mga dumadaan sa harap niyo. Yung mga binasa mo ng
luha yung balikat nila kakaiyak dahil sa mga nang-aaway sa’yo. Yung mga naging
karamay mo sa lahat ng problema mo. Yung mga nangunguna na tuksuhin ka tuwing
nakikita mo yung crush mo. Yung mga tinuring mong kapatid.
Namimiss
niyo rin ba yung first love niyo? Yung unang lalaking nagbigay sa’yo nung
tinatawag kong “lub-dub-lub-dub moment”. Yung hindi mo malaman kung anong
nangyayari sa loob ng tiyan mo at hindi mo malaman ang gagawin mo tuwing
makikita mo siya. Yung tuwing dadaan sa classroom mo, mapapalingon ka agad para
titigan lang siya. O kaya naman, inaabangan mo talaga yung pagdaan niya. Yung tinutunaw
ka tuwing mangingitian ka niya at yung kilig level mo abot langit na. Yung nung
nilibre ka niya ng pagkain na hindi mo naman gusto pinilit mong kainin dahil
siya yung nagbigay. Yung nung binigyan ka niya ng candy hindi mo kinain at
pinagkatago-tago mo lang. Yung pinanuod mo yung basketball game niya kahit sa
totoo lang wala ka namang interest dati sa game na yun. Yung pinilit mong
magpaganda para mapansin ka niya. Yung nagpakahirap kang magsunog ng kilay mo
para kapag nilabas yung honor roll kasama ka. Yung sinalihan mo yung school
organization kung saan siya nagmember. Yung sa likod ng notebook mo makikita
yung FLAMES at pangalan niyong dalawa yung nandun na may heart pa. Yung humihingi
ka ng sign na sana siya yung “the one” tapos nagkatotoo yung sign na hiningi
mo. Yung nung nalaman mo na iba yung niligawan niya, sobrang umiyak ka. Yung
taong unang nagbigay sa’yo ng first heartache mo. Yung taong hanggang ngayon
kapag naaalala mo, nandun pa rin yung kilig at yung sakit na naramdaman mo
dati.
Nakarelate
ba kayo? May mga naalala ba kayong mga tao habang binabasa niyo ito? Sana sa
simpleng paraan ko na ito napaalala ko sa inyo yung mga bagay na nakakalimutana
na nating alalahanin paminsan-minsan dahil sa mga problema natin ngayon. Pero sabi
nga nila, minsan masarap balikan yung mga moments na naging bata din tayo. Sana
napangiti ko kayo kahit sandali lang. O ‘di ba, it’s more fun in high school!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento